Biyernes, Mayo 11, 2012

What chained teen feel.

As I was cursed,
not to love 'til the time
of thee men.
.
Here shall me be
alone in thy sorrow winds,
wearing the mask of false
to cover the face of the lone.
.
watching the ones uncursed
by thy blood name.
passing, as they cheer
a cheer that will only led to tear.
.
behind the mask you'll see,
a face of emptiness.
eyes of jealousy.
a grave.
.
in thy depths of this grave,
a dungeon in the bottom of a pit.
where the whisper of hatred thoughts
come to linger to me.
.
in thy end, a man chained.
awaiting for the time the chains
to be set free and the curse to be lifted.





                                                                                                                                 -L.G.C Dimasalang-

Linggo, Oktubre 9, 2011

The importance of your Ball pen ( ang importansya ng iyong Ball pen)

Today, I’m going to talk about the importance of our ball pens. Ball pens help to improve our life. Ball pens help make peace through out the world. Ball pens make men successful in their business. Ball pens help you in your education. Ball pens help make our favorite songs, movies, books, and etc. In fact, ball pens make the world go round! But no one really seems to give them importance. So let me read this creed for you.

This is my Ball pen. There are many like it, but this one is mine.

My Ball pen is my best friend. It is my life. I must master it as I must master my life.

My Ball pen, without me, is useless. Without my Ball pen, I am useless. I must write my Ball pen true. I must write straighter than my classmate who is trying to copy my answers. I must finish before he copies all my answers. I will...

My Ball pen and I know that what counts in this room is not the ink we fire, the noise of screeching, nor the smell we make. We know that it is the points that count. We will score...

My Ball pen is human, even as I, because it is my life. Thus, I will learn it as a brother. I will learn its weaknesses, its strength, its parts, its accessories, and its barrel. I will ever guard it against the ravages of weather and damage as I will ever guard my legs, my arms, my eyes and my heart against damage. I will keep my Ball pen clean and ready. We will become part of each other. We will...

Now that I finished reciting the creed for our Ball pens, I’m also going to share what would be the consequence of not having any Ball pen at school.
If you don’t have your Ball pen you can’t take a quiz or exam, if you can’t take these, you will fail in your subjects, if you fail you won’t graduate, if you won’t graduate, you won’t have any descent job, if you don’t have a descent job you will be poor, if you are poor no one will marry you, if no one will marry you, you will be depressed and maybe rot on the streets looking for your supper in the garbage bins. You will lose your mentality. If so, you’ll die lonely because of just not having a Pen. So give your Ball pen a damn importance! Don’t just talk the talk but also walk the walk!

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

Ang paglalakbay ni Juan Guillermo kabanata Apat-Anim


Ika-apat Na kabanata: Sa Berbanya at ang matatalinong Ermianyo.

            Pagkatapos ng iilang oras na biyahe, sa paglalakbay na ito nina Juan mayroon parin syang nakikitang magkatipan na ang lalaki ay parang isinumpa ng lahat ng mangkukulam na parang test subject nila sa kanilang mga bagong mahika at ang babae naman ay parang pang miss universe (kayo nang bahala sa pag imagine, kung gusto nyo na ang crush nyo ang imaginenin nyo edi sige….). sa pag dating nina Juan sa Berbanya, Nag hanap sya ng matutuluyang motel . pero sa kasamaang palad , hindi tinatanggap ang pera natin sa pera ng Berbanya kaya’t nag pasya si Juan na matulog sa isang eskinitang malapit sa  himpilan ng mga ermitanyo.
           
            Kinabukasan, maagang nagising si Juan, nag ehersisyo at pumunta sa kagubatang malapit para mangaso. Pero minalas si Juan, wala syang nakuhang kahit katiting na pagkain, kaya’t pumila si Juan sa kagawaran. Si Juan ang nauna sa tarangkahan ng kagawaran ng mga tagapagpayong ermitanyo. Naunang nagtanong si Juan “o, mga matatalinong ermitanyo paano po ako makakabalik sa mundo kong pinag mulan?” (Moments of silence) “Psssstt………psssstttt!!!!.....” hinanap ni Juan ang sumisitsit sa kanya…..at nakita nya ang taong nasa kanyang likod...Tinanong ni Juan kung bakit sya sumisitsit, “ano po ba ang problema?” “Kailangan mong mag hulog ng gitnong piseta para sagutin ka ng mga ermitanyo…” nag hulog si Juan ng limang piso dahil 2010 edition ito at makintab pa... di naman ito napansin ng mga tao...inulit ni Juan ang tanong niya at sa pagkaka taong ito sinagot sya ng mga ermitanyo , “ayon sa kasulatan ni Konde Marikmot pahina isang libo , anim na raan at pito ,bersikolo  labing apat , ang pinaka mahiwagang kaharian sa buong kalupaan ang, Renos De Los Crystales , kailangan mong mag punta sa nasabing lupain……. Alien??”Sabi ng isang ermitanyo sa pag kunsulta niya sa isang malaking libro… “Alien!!!” reply ng iba pang ermitanyo …, napa-isip si Juan... ang mga ermitanyo bang ito ay ginaya ang concept ng Ang Dating Doon?? Siguro nga! Alien?!(Response kayo ng ALIEN!!) Pumila ulit si Juan sa likod…”ang sunod!!” sigaw ng isang kawal.

Panlimang kabanata: Mga katanungan ni Juan.

           “O, mga matatalinong ermitanyo, ano po ba sa intsik ang pilay? “Sabi ng tao kanina’y nasa likod ni Juan, sabay hulog ng gintong piseta. “Ayon sa kasulatan ni Mr.Suave, pahina labing anim, bersikolo siyam, kabanata dos. Ang intsik ng pilay ay Lum pong Shanghai ayon sa kaibigan nya’ng intsik (parang lumpiang shanghai), alien mga brothers?!” (Response: ALIEN!!!) .At umalis ang nagtanong at meron pang naghulog ng gintong piseta at nagtanong, “o, mahuhusay na ermitanyo, pag ang lason ba na expire lason parin?”  “Ayon sa kasulatan ni Don Facundo, pahina isang libo, dalawang daan at pito, bersikolo tatlong-daan, May nakita akong kalansay sa aking paglalakbay. Sa kaliwa niyang kamay may bote ng lason na expire. At ito ang patunay na pag ang lason ay na expire ay lason parin. Tulad ng isang hudas sa buhay, magbago man, pero sa kaluob-looban ay hudas parin. Kaya iho pa gang lason na expire lason parin “at umalis ang binatang nagtanong, muli ay pagkakataon na ni Juan na magtanong sabay hulog ng limang piso “o, mahal na ermitanyo ako po ba ay makakahanap ng aking iibigin sa mundong ito?” “binata hindi naming iyan masasagot ,pero masuwerte ka’t nandito si  Madam Auring “ bigla nalang lumabas si Madam Auring out of the blue, napatulala si Juan at sinabing “ si madam Auring nga!!! Mukhasim talaga!!”  Sinimulan ni madam Auring ang sermonya “Bolang crystal bolahin mo ako, isprikitik kung pumitik! Walastic!! Babe----“inudlot Ni Juan ang seremonya “madam Auring meron po akong itatanong” “ano iyon Juan?” “Ano po ba ang secreto ninyo kaya’t hanggang ngayon ay may asim paring kayo?” (Momentary silence) may binulong si madam Auring… “Ahhhhh, ganun!? Sige thank you po! Pangako di ko sasabihin sa iba, tuloy na po tayo sa seremonya” muling sinimulan ni madam airing ang sermonya “Bolang kristal sinong bobolahin mo? Ako o sya? Isprikit Kung pumitik! Walastic! Ba be bi Bo bu!! Tatay mong kalbu!!” parang sinasaniban si madam Auring may tumugtog ng BAD ni Michael Jackson sumayaw si madam Auring biglang may naglabasang back-up dancers nag sayawan ang lahat pati ang pusa sumasayaw ala Michael Jackson meron pang suot na costume pareho ng kay Michael Jackson, matapos ang intermission number nag salita si madam Auring “Juan nakikita kong may isang babae kang makikilala pero maraming kokontra sa pag mamahalan ninyo”. Muling naghulog ng limang piso si Juan at muling nag tanong “o, matatalinong ermitanyo paano po ba ako makakapunta sa Renos De Los Crystales? At ano po ba ang mga hakbang na aking gagawin?” moment of silence “una, maghanap ka ng makakasama sa paglalakbay dahil hindi madali ang iyong tatahaking landas patungong Renos De Los Crystales, pangalawa dumaan kayo sa SLEX tapos may makikita kayong kainan ni aling Maria doon tumatambay si Pedro Penduko, kumbinsihin nyo syang sumama sa paglalakbay ninyo dahil may alam syang shortcut patungo sa Renos De Los Crystales , tapos may makikita kayong ermitanyo sa daan , meron syang tatlong katanungan at kung di masasagot , tiyak na kamatayan sa manlalakbay , pero pag nalampasan ninyo ang tatlong katanungan makakaraan kayo sa tulay, makakarating kayo sa lugusan patungo sa Balete Drive ,at kung papalarin kayong maka lusot ,iyon na ang pinakamadaling daan patungo sa Renos De Los Crystales , at kahulihulihan pag nasa Renos De Los Crystales na kayo, pumunta kayo sa likod ng kastilyo at bobosohan ninyo ang tatlong magagandang prinsesa na mga anak ni haring Salermo, pero mag-ingat ka hindi basta-basta ang tatlong prinsesa , sila ay may salamangkang mas malakas pa sa salamangka ni Harry Potter and the seven dwarves pagkatapos ninyong mamboso sundan nyo sila papasok sa isang sekretong lagusan at walang bantay doon dahil sekreto nga , sunod hanapin nyo si Tempus sa loob ng kastilyo at sabihin nyo na galing kayo ng Berbanya at matutulungan nya kayo at iligtas nyo na rin sya sa pangangalaga ni haring Salermo.”

Ika-Anim Na kabanata:  Paghahanap ng kasama.

            At naghanap nga ng makakasama si Juan sa kanyang paglalakbay. Sa paglalakad ni Juan sa kakahanap ng mga taong makakasama sa paglalakbay, napadpad sya sa kastilyo ng Berbanya kung saan merong enlistment para sa mga magiging kawal at meron ding isang grupo ng mga kawal na naghahanap ng kasamahan sa kanilang paglalakbay na ang kapalit ay ano mang hihilingin sa hari. Naisip Ni Juan Na sumali sa grupo dahil magagamit niya ang grupo na samahan sya sa kaniyang paglalakbay. Dito makikilala Ni Juan si Konstable Quistreham. “Kayo ang mga mercenaryong gustong pag silbihan ang hari?” “Sir, Yes, Sir!!!” sigaw Nina Juan at labing tatlo pang mercenaryo, “Sir! Ano po ba ang misyon?! , Sir!” tanong ng isang mercenaryo “Ang misyon natin ay sundan si Prinsipe Juan dahil nag-aalala na si Haring Fernando sa kanyang mga anak” sagot ni Konstable Quistreham. Anim na buwan nang nakaka-alis si Don Pedro, Tatlong Buwan naman si Don Diego at tatlong minuto palang ang nakakalipas nang umalis si Don Juan para hanapin ang Ibong Adarna. Nag umpisa na sila sa kanilang paglalakbay, Ngunit hindi nila alam kung saan sila dadaan “Guillrmo saan tayo dadaan?! Di natin alam Kung saaan dumaan ang Prinsipe“.  Tanong ni Konstable kay Juan , Nag-isip si Juan………… “AHA!!!!!” may na-isip si Juan na may kasama pang special effect na bumbila sa kanyang ulo “itanong natin kay Direk!!!” (Nag tanong si Juan sa director) “Pumuta kayo sa bundok ng Tabor!!!!! Ano ba?! Di ba kayo nagbabasa ng script??!!!!!!!!!!!!!” “Saan o ba ang daan?” tanong ni Konstable “Mula dito dumiretso kayo tapos pagdating nyo sa pan-apat na kanto lumiko kayo tapos mararating na ninyo ang star city! Tapos kumain kayo sa chowking! Nandoon na ang buong staff & crew!” may umepal Na mercenaryo “bakit pos a star city?” “Pa autograph tayo kina Nicoleyala at Christsuper” “ah…okay…” “Tapos pumunta kayo sa station ng bus papunta sa mountain province at hanapin ninyo ang daan patungo sa bundok ng Tabor…………..teka sinabi nay un ng mga Ermitanyo ah...” 
           
            Kaya’t nag-umpisa na sila sa kanilang paglalakbay sakay sa mga imaginary na kabayo gamit ang dalawang buko upang makagawa ng tunog ng yapak ng kabayo. Kung nahihirapan kang imaginenin ang imaginary Na horseback riding, tingnan mo nalang sa youtube ang “Monty Python and The Holy Grail”. Pagkalipas ng 30mins. Ay narating na nila ang starcity, manghang-mangha sina konstable at ang 13 na kawal sa mga attraction sa starcity … teka……. Hindi ba ang kwentong ito ay sa mundong mahiwaga?? Ba’t nandito ang set sa starcity??(Directors cut? Oo, dahil alam Kong nagtataka din kayo……… ako rin ehh, nagtataka din ako sa sinulat ko...HECTIC kasi masyado ang math subject kaya’t Hindi ko na alam ang isinisulat ko…samahan pa ng mga maiingay na kaklaseng gustong mag-unahan sa pagsagot sa problem hahay…Algebra……..) Anyway, ayon sumakay sila sa roller coaster, horror house, pumasok din sila sa both ni Peter Pan at marami pang iba!!! Halos lahat nga ng rides ay nasakyan nila pati lahat ng booths ay na-laruan na nila at sina constable at ang 13 na kawal ay enjoy-na-enjoy sila sa caroussel kung saan sigaw sila ng sigaw ng “sulong!!” pagkatapos nilang kumain sa chowking at nag pa autograph kina Nicole at Chris ay sumakay na sila sa kanilang imaginary kabayo sa parking lot…dun malapit sa damuhan para pumunta sa station ng bus.

Biyernes, Abril 8, 2011

Ang paglalakbay ni Juan Guillermo kabanata isa-ikatlo


Ang paglalakbay ni     Juan Guillermo 
                   Patungong Renos Delos Crystales 
                                                                                                           By: Lorenz Gerard S. Capisin (totoo kung angalan ^_^)
Unang   kabanata: Si Juan Guillermo

           One day isang araw... sa siyudad ng Manila , sa ilalim ng tulay , doon makikita ang  isang batang nag babawas  sa ilog… at doon din makikita ang isang  pulis  patola na nagngangalang si PO2  Juan Guillermo  na 5’5  ang taas , katamtaman ang pangangatawan  , mistiso.kayo nang bahala mag imagine sa kanya…  

                Ang buhay ni Juan ay nakakatamad lalo na pag walang nangyayari sa buong mag-hapon sa pagbabantay niya sa ilalim ng tulay at naiinis sya kapag kinutukso sya ng mga batang tumatae sa ilog ng “may pulis , may pulis sa ilalim ng tulay” ,  habang lumalabas sa kanilang puwet ang kanilang mga yellow submarines  , naiinis din si sya kapag nakakakita ng mga abusadong politico  , abusadong  drivers  ng mga PUJ , PUB , taxi , private vehicle ,bat mobile,motor,  atbp. Abusadong opisyal ng gobyerno, mga mayayamang matapobre,  mga prostitute , mga magsyotang ang lalaki ay mukhang tae at ubod naman ng ganda ang babae , mga taong nagkakalat ng basura , dumudura sa tabi-tabi , mga taong umi-ihi at tumatae sa mga iskwatewr areas.

              Pero napa-isip ang ating bida… “bakit nga mrong mga magsyotang panget ang lalaki na mukhang tae at maganda naman yung babae na parang prinsesa ng isang kahariang di makita makta “ diba nakaka bad trip? Anong sa palagay mo pag naka kita ka ng ganoong mag syota? , at alam nyo ba Kung bakit napa-isip ng ganito ang ating bida? , iyon ay dahil single parin at No Girlfriend since birth at take note alagi syang miyembro tuwing December ng SMP or Samahan ng Malalamigang Pasko… kayat sa tuwing uuwi sya sa kanyang floating kubo sa manila bay nagluluto sya ng sinigang na may toyo ni Marissa, binigayn si Juan ng toyo ni Marissa ay dahil tapos na ang taping ng toyo serye dahil nakabalik na si Temotheo (weh) , kayat sya na  ngayoy nagsasabing “ o, aking soulmate na sing ganda  ng crush ng may akda ng librong puno ng kalokohan , lumapit ka’t sundan mo ang bango!” at may umepal na bakla na nagngangalang Paula Mungkal  , pero sa tunay na buhay ay si Paolo Mungkal … si Paolo ay isang maskuladong bading na mangingisda , “o, aking irog naamoy ko palang ang iyong sinigang na may toyo ni Marissa sa malayo akoy nagmadaling nag sagwan dito para lamang ikay Makita “ sabi ni Paula , “che!” naman ang ganting salita ni Juan at nagsanbing “ tara Paula kumain tayo  ng sinigang na may toyo,itlog na may magic sarap , at nestea iced tea !” , sumigaw naman si Paolo ng “ bottomless ang saya!!”  pumayag naman si Paolo, pagkatapos nilang kumain ay umuwi na si Paula sa kanilang bahay sa pangpang, at nung nakalayo na si Paolo ay may pagkain pa pala si Juan ito ay ang lucky me Jjiamppong authentic Korean spicy nodels at napasabi sya ng “nasa kubo man ako amoy at lasap ko naman  ang kailaliman ng dagat“, alam nyo ba kung saan galling ang sinabi ni Juan ? , well galing ito sa advertise ng nodels,share lang ^_^. 

Pangalawang kabanata: ang lagusan

             Nang nag umaga na, balik nanaman si Juan sa rutina ng kanyang buhay … maliligo,kakain kina Paolo , magtatime in sa prisinto , at muling mag babantay sa ilalim ng tulay , lingid sa kaalaman ni Juan hindi ito magiging ordinaryong araw ara kay Juan dahil ito ang magiging simula ng paglalakbay at pakikipag sapalaran ni Juan Guillermo sa isang mundong di normal at puno ng hiwaga at mahica.
 
             Pag dating ni Juan sa prisinto , inalerto silang rumesbak sa nangyayaring marahas na rally ng mga selfish na tao  sa EDSA  kayat silay ngayoy sinuot ang kanilang mga bulletproof vest , helmet , at tactical shields … pero bago a paman sila maka labas ng prisinto ay inabisuhan silang natapos na ang gulo sa EDSA sila namay ngayoy pinayuhang rumesbak sa isang hostage drama kayat silay nag sout ng combat gear , at katulad ng unang pangyayari bago pa  sila naka labas ng prisinto ay inireport sa kanilang tapos na ang hostage drama , kayat heto balik sa ag babantay ng tulay si Juan.

             Ala-una ng hapon, naroon parin si Juan sa ilalim ng tulay, nagmamasid sa paligid at naiinis parin sya sa mga mag syotang kanyang nakikita na ang lalaki ay parang puwet ng kaldero na sina- -saingan ng bigas sa isang de uling na lutuan ang mukha at ang baba namay ubod ng ganda na parang si Angel Locsin . ng bigla syang nadala ng rumaragasang tubig na sa sobrang lakas ay di na nya namamalayan ang nangyayari sa kanyang paligid at paki ramdam nya ay para sya pli-nash sa isang malaking inidoro  a naisipan n gating bida na humingi ng tulong , “tulong!!” , “tulong!!” , “tulongan nyo ako!!(parang boses ng bading na serena), “tulong!!!” “tullo-blah-ughh-ehem-ehem-ughh-ughh” .

            Kung inaakala mong nalunod si Juan, ikay nagkakamali …alam nyo ba Kung anong nangyari sa ating bida? Well habang sumisigaw ng tulong si Juan ay nakalunok sya ng something…….something strange na hindi mo ina asahang darating sa buhay mo, maari ba itong maging bato ni Darna? Ikaw ano ang hula mo? Well Kung iniisip mong bato nga ni Darna ,mali ka nanaman , sirit na? sigi na nga sasabihin ko na! ang nalunok ni Juan ay isang Yellow Submarine ni John Lennon, tinatanong mo kong anong ibig kong sabihin sa Yellow Submarine? In our local dialect tae, oo tama yang nabasa mo! Tae nga ang nakasulat at nakalunok nga ng tae si Juan habang humihingi ng tulong, at Kung naguguluhan ka pa rin let me spell it capital T.A.E at iyon ang nagging dahilan ng agkalund ni Juan… pero kung ina akala mong D’ Anothers na si Juan , well you are again wrong buhay pa sya nahimatay lang dahil hindi nakayanan ng sikmura niya ang nalunok na tae…, napadpad si Juan sa isang lugar na di ang karaniwan , lugar na sina una, isang lugar na mahiwaga. Babala!! Kung ika’y mahilig mag punta sa imbornal at ilalim ng tulay o ano pa mang lugar na maabutan ka ng isang munting tsunami, mag ingat ka kay John Lennon dahil sya ay nasa sulok-sulok lang maghihintay ng tamang panaho sa pag atake.

Pangatlong Kabanata: Dayo sa kaka-ibang mundo at ang lagusang cabinet.

Nang mag-kamalay si Juan, Ini-inda niya ang sakit sa buong katawan nang bigla syang sumuka ng tae, “blluuurrrrggghhhh”, “yuck!! Ano itong aking naisuka?!...tae?...tae nga!!” napa tingin si Juan sa kalangitan at tinanong an gating panginoon “o, panginoon ko , ito bang nangyari sa akin ay sumisimbolo ng pag tatanggal mo sa mga samahan ng NGSB(no girlfriend since birth) o di kaya’y pag tatanggal mo sa SMP( samahan ng malalamigang pasko) sagutin mo ako aking pangi-“ may umepal sa pag si-senti ng ating bida. “Buenas dias senor, moy Dora and me amigo Boots! Ayuda me senor?” napa-isi an gating bida, mukhang familiar sa kanya ang batang may malaking ulo, maliit na katawan ngunit todo labas ang bilbil pati na rin ang kanyang alagang unggoy na kulay asul  na may pulang sapatos na Supra ang brand(Fact yun). Umulit sa pag sasalita ang batang may malaking ulo “ayuda me senor?” “Dora the explorer?!!”  sigaw ni Juan na may halong pag kagimbal , bata alang si Juan ay mayroon na syang phobia sa mga pam-batang educational shows lalong-lalo na si Barney… kaya’t nang malaman ni Juan na si Dora the explorer ang kanyang kausap na lakas tamang lumalabas ang bilbil agad niyang pinu-sasasan ang dalawa sa puno ng niyog nang bigla silang sumigaw “ ayuda me!! Ayuda me!!” na bigla si Juan na baka may maka kita sa kanyang ginawa kaya’t kinuha nya ang kanyang taser sa utility belt at kinuryente sina Boots at Dora. Sa malayo’y nakita ni chiko the squirrel ang mga pangyayari , nag lilinis ng bakuran ng mga oras na iyon si chiko the squirrel wala na syang panahong ilagay sa tamang lalagyan ang kanyang kalaykay na dala at nag madaling sumaklolo kina Dora at Boots , inakala naman ni Juan na reresbak si chiko the squirrel kaya’t kinuha niya sa kanyang utility belt ang standard issue kalibre .45 pistol at binaril si chiko sa ulo patay, narinig naman ito ni Barney sa di kalayuan alam nyang may masang nangyari kaya kinuha niya ang palakol ni machete sa kanilang bakuran at rumesbak , nakita ni Juan na paalapit na si Barney , binaril nya ito pero hindi manlang natinag si barney sa .45 caliber pistol at parang kalmot lang ng pusa ang bala ni Juan , binalik ni Juan ang .45 caliber sa holster at kinuha ang Remington 870 shotgun na kargado ng  12 gauge shot shell , ina sinta si barney at kumanta ng “ I love you, you love me come on and let’s kill barney with a Remington shotgun (BAAANNNGGG!!!!!! Putok galling sa Remington 870 shotgun na may 12 gauge shot shell) barneys on the floor no more baklang dinosaur”.

          Nag patuloy sa pag lalalakad si Juan na tila walang nangyari. At pagkalipas ng iilang minuto ay Napadpad sya sa isang malaking Kabinet at sa ibaba nito ay may mga taong naka robe with hood, nilapitan sya ng taong naka robe with hood “kami ay mga kasapi ng kabinte ni heneral Crusarrous na namumuno sa pagbabantay ng tarangkahang kabinet na ito , ano ang iyong pakay mo dito?” “ako po si Juan Guillermo , nasa anong parte po ba ako ng pilipinas?” “pilipinas?! Juan…tama?ikay nasa lupain ng Berbanya “”Berbanya?! Kung ganun akoy nasa kaka-ibang mundo?!” (Moments of silence. Na para bang may masamang ini-isip si Juan…) Kung ganun pwede akong gumawa ng criminal empire dito?!! (abot tenga ang ngiti ni Juan na parang yung lagi ninyong nakikita sa cartoons or anime na pang demonyo  ,bwahahahahhaha………tumawa si sa kanyang isipan na yung parang sa plant vs. zombies na tawa…… tumingin sa langit si Juan at pinasalamatan si John Lennon sa padala niya sa mundong iyon… kumaway naman si John Lennon , ngunit na-udlot ang masamang balak na ito ni Juan sapagkat dumating si Jose Rizal at sinabihan si Juan na “Juan wag kang gagawa ng kasalanan sa iba….sigi ka ,di ka ma-ililista sa libro ni San Pedro…..” tulala si Juan…….. “ano Juan ano nang gagawin mo?” “Ma kilala po ba kayong makaka-tulong sa akin?” “doon sa himpilan ng mga ermitanyo ng Berbanya baka’t may alam sila…” “paano po ako makaka-punta roon?” “Tamang-tama Juan , sumama ka sa biyahe ng aking mga kawal pabalik ng Berbanya” . at ganun nga, nag lakbay sina Juan kasama ang iilang kawal ng berbanya sakay ng kabayo pero bagohan palang si Juan sa pangangabayo kaya’t nabagalan sila sa pag-alis..at sympre bago umalis ay nagpaalam si Juan sa naka robe.